Inatasan ni Allah anag maga lingkod Niya na kumain ng mga pagkain nakakabuti at pinagbawal Niya sa kanila ang maga pagkaing nakakasama.
Ang lahat ng pagkain ay pinapahintulot maliban sa mga pinagbabawal. Si Allah ay nagpahintulot sa Kanyang mga lingkod na nananampalataya na kumain ng mga pagkain nakakabuti upang pakinabangan nila ang mga ito. Hindi ipinahihintulot na gamitin ang mga biyaya ng Allah sa pagsuway. Nilinaw na ni Allah sa mga lingkod Niya ang ipinagabawal Niya na mga pagkain at mga inumin.
Nagsabi Siya: "O mga sumasampalataya , kumain kayo ng mga nakakabuti na itinusto Namin sa inyo,,"(Sura Al- Baqarah:172)
Ang lahat ng pagkain ay pinapahintulot maliban sa mga pinagbabawal. Si Allah ay nagpahintulot sa Kanyang mga lingkod na nananampalataya na kumain ng mga pagkain nakakabuti upang pakinabangan nila ang mga ito. Hindi ipinahihintulot na gamitin ang mga biyaya ng Allah sa pagsuway. Nilinaw na ni Allah sa mga lingkod Niya ang ipinagabawal Niya na mga pagkain at mga inumin.
Sinabi Niya "..samantalang nilinaw na Niya nang masusi sa inyo ang ipinagbawal Niya sa inyo, maliban doon sa napilitan kayo?.."
Samakatuwid and anumang hindi nalinaw ang pagbabawal,iyon ay hindi Halal (ipinahihinyulot ni Allah).
Nagsabi naman ang Propeta ( SAS ) : "Tunay na si Allah ay nagsatungkulin ng mga tungkulin,kaya huway ninyong ipagpawalang-bahala ang mag ito; nagtakda ng mga hanggnan ,kaya huwag ninyong lampasan ang mga ito; nagbawal ng ilang mga bagay,kaya huwag ninyong labagin ang mga ito: nanahimik sa inamg mga bagay bilang awa sa inyo -- hindi sanhi ng pagkalimot,kaya huwag na kayong mag-usisa tungkol dito"
Kaya ang bawat bagay, gaya ng mga pagkain, mga inumin, at mga kasuotan, na hindi nilinaw ni Allah ni ng Sugo Niya (SAS) ang pagbabawal nito ay hindi ipin ahihintulot na ipagbabawal ito. And patakaran na ang bawat pagkain na Tahir( Itinuturing na malinis sa Islam kaya ipinahihintulot kainin) na hindi nakapipinsala ay ipinahihintulot:taliwas sa mga pagkain Najis (itinuturing na marumi sa Islam kaya ipinagbabawal kainin) gaya ng patay na hayop, dugo. nakalalasing na inumin,sigarilyo, at pagkain na nahaluan ng bagay na Najis dahil ang mga itoay ipinagbabawal dahil nakakasama at nakakapinsala. Ang ibig sabihin ng patay na hayop aya ang hayop ba naalisan n ng buhay ng di ayon sa pagkatay na itinatagubilin ng Islam. Ang dugo ng ipinagbabawal aya ang dugo na lumalabas sa hayop kapag kinakatay. Ang dugong naiiwan sa loob ng karne matapos katayin at ang dugong natitira sa mga ugat ay ipinahihintulot kainin.
Mga Pagkain Ipinahihintulot..
Ang ipinahihintulot na pagkain ay dalawang uri : mga hayop at mga halaman. Ipinahihintulot ang alin man sa mga ito kung hindi nakakapinsala. Ang mga hayop ay dalaw ang uri: hayop na nabubuhay sa lupa at ang mga hayop na nabubuhay sa dagat. Sa kabuuan, ang mga hayop na nabubuhay sa dagat ay Halal at hindi na kailangan katayin (namatay na di kintay) na hayop ng dagat ay ipinahihintulotna kainin.
Ang mag hayop na nabubuhay sa lupa ay ipinahihintulot kainin maliban sa ilang uri na ipinagbabawal ng Islam:
1. Ang baboy at baboy-ramo
2. Ang asno na inaalagaan
3. Ang anumang hayop na may pangil na ginagamit sa pagsila, maliban sa hyena gaya ng aso,puso,buwaya at iba pa.
4. Ang mga ibon, maliban sa sumusunod:
A. Ang mga ibon may kukong pandagit o pansila. Nagsabi si Ibnu 'Abbas (RA):
"Ipinagbawal na Sugo ni Allah (SAS) ang lahat ng may pangil na mabangis na hayop at ang lahat ng ibong may kukong ipinaninila"
B. Ang mga ibong kumakain ng patay gaya ng agila, buwitre, uwak, at lawin dahil dahil sa dumi n g kinkain ng mga ito.
4. Ang mga pinandidiriang hayop gaya ng ahas, daga, at mga kulisap (maliban sa balang at tipaklong).
Ang iba pa sa mga hayop at mga ibon na nabanggit ay Halal gaya ng kabayo, baka, kalabaw, tupa, manok, usa, asnong pa. Hindi kabilang sa mga ito ang Jallalah: ang mga hayop na bagaman Halal ngunit Nijas ang karamihan sa kinakain. Ipinagbabawal kainin ang Jallalah hanggang hindi ito ikinukulongng tatlong araw at pinakakain ng pagkain Tahir lamang.
Makruh ang pagkain ng hilaw na sibuyas, bawang at mga gaya nito na may masamang amoy lalo na kung papasok sa Masjid.
Ang sinumang mapipilitang kumain ng pagkaing Haram, dahil baka ikamamatay anag hindi pagkain nito, ay pinahihintulutang kumain ng makasasapat lamang upang manatiling buhay. Ang nakakalasonay hindi maaring kainin kailanman.
Ang sinunamang mapadan sa isang taniman at namitas ng bunga sa puno nito o namulot ng nalaglag na bunga at walang anumang bakod na nakapaligid sa pataniman ata wala nagbabantay; pinahihintulutan siya na kainin ang bunga ngunit hindi siay magdadala , hindi din aakyat sa puno, hindi mambabato, hindi manunngkit ng bunga, at hindi kakain sa mga nakatipon o nakatumpok na bunga maliban na lamang kung kinkailangan....
In'sha Allah makapagbigay ng kaalaman ang sulatin ito gabayan nawa tayong lahat ni Allah sa tamang landas at patawarin tau sa ating mga kasalan...
Source: Mga lathain ng F.G.O. sa Zulfi Saudi Arabia..
No comments:
Post a Comment