Assalamu alaykum mga kapatid sa pananampalataya ito ay mga babasahin ito ay nag galing sa mga kapatid natin na nag sasagawa ng Dawah sa Saudi Arabia nais ko lang po ibahagi sa inyo ang mag sulating ito gabayan at tulungan nawa tau Ni Allah (SWT).Ameen
b) At ang pagsasagawa ng Wudu (paghuhugas) o Ghusl (paligo) ay dalawang kinakailangan bago magsagawa ng pagdarasal (Salah) at iba pang mga gawaing pangdebosyon at pagsamba.
Ang kahulugan ng salaitang Arabik na Taharah ay kadalisayan, lakinisan, at pananatiling dalisay. Ang paggamait nito aya hindi lamang limitado sa pisikal na kadalisayan.Kailangan sikapin ng isang Muslim na palaging maging malinis sa puso, isipan, katawan at buhay.
" Kadalisayan ng buong diwa ay isnag biyaya mula kay Allah"
Sa Banal na Quran, ang pagsisisi ay isang binaggit na kasama ng kadalisayan.
"Katotohanan, mahal ni Allah ang sino man na palagiang bumabaling sa Kan ya ( ngpagsisisi ) at mahal Niya rin an g nananatiling dalisay at malinis sa kanilang sarili." (Al-Quran 2:222)
Sa Islam ay walang pagkakasalungat sa magkakaibang uri ng kadalisayan. Halimbawa ay kadalisayan pang-ispiritwal,pangkasalanan, pangkaisispan, panlipunan o pangkatawan.
Ang pangkatawan na kadalisayan sa pamamagitan ng paghugas(wudu) ay isa sa mga pangunahing kailnagan bago magsagawa ng pagdarasal (Salah). Ang ibig sabihin, ang isang Muslim ay naghuhugas nag kamay, bibig, ilong, mukha, braso, tainga, paa, halos limang beses araw-araw.
Karagdagan pa dito ang pagpaligo (Ghusl) alinsunod sa iba pang kadahilanan aya isa rin sa pangunahing kailangan upang may bisa ang ating pagdarasal (Salah).
Bukod pa sa kalinisan ng katawan, ang Quran at Hadeeth o sawikain ng Propheta Muhammad (sumakanya ang pagpapala at kapayapaan) ay nagbanggit hinggil sa kalinisan at kadalisayan sa pagkain, sisidlan ng tubig, mag kalsada, damit, at bahay.
Ang katotohanan ay halos lahat ng mga tomo ng Hadeeth at Figh (Batas ng Islam) ay nagsisimula sa pagtalakay sa mga paksa ng kadalisayan (Taharah) at kalinisan.
Sa batas ng Islam, ang pangkatawan ng kalinisan (Taharah) ay nauugnay sa dalawang pangunahing bahagi:
a) Kalayaan ng katawan sa ano mang uri ng karumihan,gayundin sa mga damit, lugar ,at iba pa.
No comments:
Post a Comment